Ano ang ibig sabihin ng batas at ang halimbawa nito

Sagot :

Ang batas ay isang alituntunin o patakaran na ginagawa o binubuo ng mga nasa politikal na posisyon para sa kapakanan ng mga mamamayan. Ang halimbawa ng mga batas sa Pilipinas ay ang Saligang Batas, Republic Act 10911 – Anti-age discrimination for employees, at Republic Act 10910 – Longer Prescription for Crimes of Graft and Corruption.

Ibig Sabihin ng Batas

  • Ang batas ay anumang alituntunin o patakaran na ginagawa o binubuo ng mga nasa politikal na posisyon para sa ikabubuti ng mga mamamayan.
  • Ang mga ito ay mahalaga para sa pagpapanatili ng kaayusan sa isang lugar o bansa.
  • Sa pamamagitan ng mga batas, nalalaman ng mga tao ang mga dapat gawin at hindi dapat gawin.

Mga Halimbawa ng Batas

Ang ilan sa mga halimbawa ng batas sa Pilipinas ay ang mga sumusunod:

  • Saligang Batas - ang pinakamataas na batas sa Pilipinas
  • Republic Act 10911 – Anti-age discrimination for employees - Ipinagbabawal nito na gawing basehan ang edad para matanggap sa trabaho ang isang tao, lakihan o babaan ang sweldo ng isang tao, at iba pa.
  • Republic Act 10910 – Longer Prescription for Crimes of Graft and Corruption - Pinapahaba ng batas na ito ang sentensya ng sinumang nakasuhan ng graft at corruption. Mula sa 15 na taon, ginawa itong 20 na taon.

Dalawang Uri ng Batas

Ang batas ay may dalawang uri. Narito ang mga ito:

  1. Pambansang batas - Ang mga ito ay ipinapatupad sa buong bansa.
  2. Ordinansa - Ang mga ito ay ipinapatupad sa bayan, lungsod, o lalawigan.

Iyan ang ibig sabihin ng batas at ang halimbawa nito. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong basahin:

  • Limang halimbawa ng batas sa Pilipinas: https://brainly.ph/question/904615
  • 5 dahilan bakit mayroong batas: https://brainly.ph/question/889755
  • Kahulugan ng batas: https://brainly.ph/question/368869