ano ang eupemismo ng tsimay

Sagot :

Ang eupememismo ay ang pagbibigay ng salitang mas magandang pakinggan at hindi masyadong bulgar o bastos na lantarang makakapanakit ng damdamin ng iba. Ang tsimay ay tumutukoy sa isang taong binabayaran upang sundin ang lahat ng ipinag-uutos ng kanyang amo sa kanya. Masyadong bulgar at masakit sa teynga ang salitang tsimay kaya ang eupemismo nito ay kasambahay o katiwala. Dahil may mga pagkakataong hindi kaaya-ayang pakinggan ang mga bastos na salita ay kaya mayroong badyang pampalubag-loob o eupemismo ang ibang mga salita.