kasingkahulugan ng mga salitang nag-uulayaw, nagmamatyag, tipanan,liblib, katipan, ulirat, kalunos-lunos, halimuyak at hiwaga.

Sagot :

Ang kasingkahulugan ng salitang nag-uulayaw ay ang pagsasama ng dalawang taong may masidhing nararamdaman sa isa't isa. Ito ay kilala din bilang pagtatalik. Ang nagmamatyag ay nangangahulugang nagmamasid sa bawat galaw, nagbabantay sa isang tao, pook o pangyayari. Ang tipanan naman ay ang lugar na tagpuan ng mga magkasintahan. Ang liblib ay tumutukoy sa lugar na hindi masyadong batid ng maraming tao o kaya'y nararating dahil sa sobrang layo nito. Ang katipan ay kasingkahulugan ng kasintahan. Ang ibig sabihin ng ulirat ay kamalayan, o malay-tao. Ang kalunos-lunos ay nangangahulugang kaawa-awa maging sa isang tao, bagay o pangyayari. Ang halimuyak ay ang bangong tumatagal o kumakalat. Samantalang ang hiwaga ay tumutukoy sa mga pangyayaring hindi kapani-paniwala ngunit totoo.