Sagot :
Ibig Sabihin ng Pukawin
Ang salitang pukawin ay binubuo ng hulaping -in at salitang ugat na pukaw. Ito ay isang pandiwa. Ang ibig sabihin ng pukawin ay gisingin, antigin, o tawagang-pansin ang damdamin, atensyon o alaala ng isang tao. Pinupukaw ang damdamin, atensyon o alaala ng isang tao kung may nais ipahatid na mensahe. Sa Ingles, ito ay arouse.
Mga Halimbawang Pangungusap
Ating gamitin ang salitang pukawin sa pangungusap upang mas maging pamilyar dito. Narito ang ilang halimbawa:
- Ang isang magaling na mang-aawit ay kayang pukawin ang damdamin ng mga tagapakinig.
- Hindi madaling pukawin ang atensyon ng batang iyan kaya naman hirap ang kanyang guro na turuan siya.
- Nais ng aming grupo na pukawin ang pag-asa sa mga bata matapos ang mapinsalang bagyo.
Karagdagang halimbawa ng pangungusap gamit ang salitang pukawin:
https://brainly.ph/question/2950134
#LearnWithBrainly