Ano ang kahulugan ng lumuwag ang tali sa talasalitaan sa kay estella zeehandelaar?

Sagot :

Ang “lumuwag ang tali” sa “Kay Estella Zeehandelaar” ay may kahulugan na kalayaan mula sa mga batas, at mga lumang tradisyon ng bayan ni Estella.  

Ayon kay Estella Zeehandelaar, ibig niyang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtratrabaho at nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe kung sana ay lumuwag ang tali o bigyang laya mula sa mga batas ng kanyang bayan.

Katayuan ni Estella Zeehandelaar

Si Estella Zeehandelaar ay :

  • Isang prinsesang Javanese (Japara)
  • Panganay sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa katayuan ni Estella Zeehandelaar, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/1711558

Problema at suliranin sa sanaysay na “Kay Estella Zeehandelaar”

  1. Walang kalayaan at walang karapatan ang mga kababaihan.
  2. Hindi patas o hindi pantay na trato sa kababaihan at kalalakihan. Mas binibigyang halaga ang mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan.
  3. Mahigpit ang kanilang batas.  
  4. Bawal suwayin ang lumang tradisyon.

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa problema at suliranin sa sanaysay na “Kay Estella Zeehandelaar”, maaaring pumunta sa link na ito:  https://brainly.ph/question/1683162

     

Uri ng sanaysay ng “Kay Estella Zeehandelaar”

Ang uri ng sanaysay na ginamit sa “Kay Estella Zeehandelaar” ay pormal dahil tumatalakay ito sa seryosong paksa.  

Ang pormal ay kadalasang nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar o pangyayari.

Ang tono sa pormal na sanaysay ay seryoso at walang halong biro.

Ang pormal ay tungkol sa opinyon ng sumulat.

Ang “Kay Estella Zeehandelaar” ay sanaysay mula sa Indonesia .

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa uri ng sanaysay ng “Kay Estella Zeehandelaar”, maaaring pumunta sa link na ito:  https://brainly.ph/question/175756