Sagot :
Ang Iyong Konsensya at ang Likas Batas Moral
Ang tao ang pinakamataas na uri ng mga nabubuhay sa uniberso. Ito ay dahil sa angking kakayahan ng tao sa batas moral. Ang moralidad ay ang kalipunan ng mga prinsipyo, karunungan at mga kautusan. Tinatawag ito na batas o pamantayan dahil sa kakayahan nitong patnubayan ang tao sa kaniyang buhay. Ang pagsunod dito ay nagbibigay ng kaligayahan at ang pagtalikod dito ay nagbibigay ng masamang resulta.
Ano ang kahulugan ng imoralidad? Basahin sa https://brainly.ph/question/481550.
Likas itong nauunawaan ng tao gamit ang kaniyang utak at puso na siyang kabuoang gumagana sa konsensya ng isang tao. Ang konsensya naman ay binibigyang kahulugan bilang ang isa na nakakaalam sa sarili. Bahagi ito ng katawan ng tao na kayang humatol sa kaniyang sarili sa kung ano ang tama at mali. Kaya din nitong pangatuwiranan ang isang gawain anupat magbibigay ng kapayapaan ng puso at isip o di kaya naman ay pamanhidin ang mga ito.
Likas na mayroon sa isang tao ang batas moral at ng paggana ng kaniyang konsensya. Kaya nga maging ang isang bata na kulang sa kaalaman ay maaaring kumilos kaayon ng batas moral at ng kaniyang konsensya.
Halimbawa nito ay ang pagnanakaw. Kapag nais ng bata na kumuha ng isang bagay na hindi sa kaniya, hindi niya ito ihahayag katunayan lamang na alam niyang mali iyon. Kapag nahuli siya, maaari siyang mag-maang- maangan o di kaya ay makadama ng pagkakakamali.
Hindi kailangang magbago ang moralidad dahil ito ay nakaugat na mula pa sa pagkalalang ng sangkatauhan. Ngunit ang konsensya ay maaaring iba-iba ang antas depende sa kalagayan ng pamilya, karanasan, kultura, kapaligiran at personalidad ng isa. Kaya ano ang dapat gawin ng isa para matiyak na mayroon siyang malinis na konsensya?
- Kilalanin na mayroong Maylikha.
- Pag-aralan ang mataas na moral na mga pamantayan.
- Sikaping sundin ang mga pamantayan na ito.
Kilalanin na mayroong Maylikha
Ang pagkilala na mayroong Maylikha sa iyo ay tutulong upang tanggapin na tayo ay nararapat na magpasakop sa Isa na gumawa sa atin. Tatanggapin mo din na ikaw ay may limitasyon at disensyong kailangang sundin upang manatiling buhay at maligaya. Kung hindi mo ito tatanggapin, magiging mali ang unawa mo sa kalayaan at kakayahang magpasya.
Para sa higit na impormasyon tungkol sa Kahulugan ng Kalayaan at ng Kakayahang magpasiya, basahin ang https://brainly.ph/question/231378.
Pag-aralan ang Mataas na Moral na mga Pamantayan
Sa pag-aaral ng pamantayan, maraming aklat at eksperto ang naglalalan nito. Pero tanging ang inilaaan lamang ng Maylikha ang naiiba sa lahat ng ito. Ito ay matatagpuan sa Bibliya. Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga hindi nagbabagong mga prinsipyo anupat maging ang mga marurunong ay dumepende dito. Ang ilang pilosopiya na salungat sa sinasabi ng Bibliya ay nasubukan na nang maraming tao ngunit nagbigay lamang ng kabiguan sa kanila.
Maraming mga isyu sa buhay na nangangailangang magsuri sa moralidad. Isa na dito ang euthanasia. Basahin ito sa https://brainly.ph/question/2086519 sa ilalim ng pamagat na: Ang Pananaw ko ay Gaya ng sa Bibliya.
Sikaping sundin ang mga pamantayan na ito
Ang kaalaman ay magiging karunungan lamang kung ito ay susundin. Bagaman hadlang ang kahinaan ng tao, posible pa ding maabot o masunod ang mga ito. Hayaang ang iyong natututuhan mula sa Bibliya ang gumabay sa iyong konsensya. Magdudulot ito sa iyo ng mga sumusunod:
- Kapaganatagan o Kapayapaan ng isip at puso.
- Pagkakaroon ng dignidad o tamang pagpapahalaga sa sarili
- Magkakaroon ng kaligayahan sa pagbibigay o pag-una sa kapakapanan ng iba
- Magkakaroon ng mapayapang kaugnayan sa iba gaya ng masayang pamilya, kapit-bahay o katrabaho at kaeskwela.
- Malapit na kaugnayan sa Diyos.
- Maliwanag na pag-asa para sa hinaharap
- Naiiwasang ang mga malulubhang mga problema.
Pansinin na ang mga nabanggit na mga resulta ay likas lamang na naisin ng tao sa kaniyang buhay. Kaya naman talagang sang-ayon tayo na magkaugnay ang iyong konsensya at batas moral.