Pag-ibig sa Bayan
O, mahal kong bayan
Ako sana ay iyong patnubayan
Upang paglilingkod sa bayan
Ang siyang aking matutuhan
Hindi ko man laging naipapakita
Ngunit maniwala ka
Hangad ko ay umunlad ka
Dahil mahal ko ang bayan kong sinta
Sana dumating ang araw
Na maging katotohanan ang mga nabuo sa aking balintataw
Dahil lagi kong ipinagdarasal
Na sana isang araw maibigay ko sa iyo ang pangalang marangal.