Dala ng mga kahirapang pangkabuhayan, maraming tao sa mga bansa sa Asya ang nawawalan ng hanapbuhay at patuloy na lumalaki ang bilang ng mga walang hanapbuhay taun-taon. Patuloy ang pandarayuhan ng mga manggagawang Asyano sa mga bansang mayaman sa langis sa Timog-Kanlurang Asya, Hilagang Aprika, at sa mga bansang Kanluranin na nangangailangan ng mga manggagawa.