ano ang pagkakaiba ng titingin,magmamasid,sisipatin

Sagot :

Ang ibig sabihin ng titingin ay ang literal at simpleng pagtuon ng mga mata sa isang bagay o sa isang dako. Ang magmamasid naman ay tumutukoy sa masusi o seryosong pag-oobserba sa isang tao, bagay o pangyayari. Mas gumagamit ng lohikal na pag-iisip at pangangatwiran ang taong nagmamasid. Sa kabilang dako, ang sisipatin ay ang paraan ng matamang pagtingin sa isang pook, bagay o tao upang siguraduhing nasa tamang ayos, o kalagyan ito.