Examples of tambalan






















Halimbawa ng tambalan



Sagot :

Answer:

Mayroong dalawang uri ng tambalan. Ito ay ang tambalang salita at tambalang pangungusap.

Kahulugan ng Tambalang pangungusap:

Ang tambalang salita ay binubuo ng dalawang buong payak pangungusap. Iniuugnay ito ng mga pangatnig (at, samantala, habang, ngunit, sapagkat)

Halimbawa ng tambalang pangungusap:

  • Lalapitan na sana ni Ashley si Nicole ngunit dumating ang kinaiinisan niya.

  • Hindi ako papasok bukas at maglilibang ako sa mall.

  • Ginawa ko ang aking makakaya upang mapabuti ang aming proyekto  samantalang sila ay naglalaro lamang.

  • Inubos ko na ang mga pagkain habang nasa labas pa ang aking mga pinsan.

Ano ang Tambalang-Salita?

Ay ang tawag sa isang salita na mayroong dalawang magkaibang salitang ini-ugnay upang makabuo ng panibagong kahuluga.

Halimbawa:

  • Mata pobre
  • Patay-gutom
  • Bahag-hari
  • Buntong-hininga
  • Kapit-tuko
  • Madaling-araw
  • Hatinggabi
  • Tanghaling-tapat

Example Sentences sa Tambalang Salita:

  • Nag resign ako sa aking pinagtatrabuhan dahil sa pagkakaroon ng matangpobre na pag-uugali ng aking amo.
  • Tigilan mo ang iyong paraan sa pagkain, dahil nagmumukha kang patay gutom.
  • Tuwang-tuwa ang aking pamangkin nang makakita siya ng bahag-hari matapos ang ulan.
  • Napabuntong-hinga nalang si Alvin dahil wala na siyang magagawa upang mahanap ang kanyang ballpen na kabibili lamang.
  • Si Alex at Gwen ay nakakainis tingnan, sila ay kapit-tuko na magkasama kahit saan.
  • Gutom akong gumising kaninang madaling-araw.
  • Nakarinig raw ang kuya ko ng mga kaluskos sa pintuan, sa hatinggabi.
  • Pinahinga ko muna ang mga kaibigan ko dahil tanghaling-tapat na ang init, at nagpapalipad pa rin sila ng saranggola.

#AnswerForTrees

#BrainlyLearnAtHome