Ang sinaunang palamuti na gawa sa mga bato at buto ng hayop ay napakapambihira. Ito ay nagsisilbing katibayan ng pagkamalikhain ng mga sinaunang tao. Ito ay batayan ng kanilang kultura nuon sa kung paano nila nagawang palamutian ang mga sarili ayon sa kanilang lahing kinabibilangan. Ang paggawa sa mga ito ay isang katibayan ng kanilang kahusayan sa sining, ang pagkamalikhain at pagkamaparaan sa pamamagitan ng paggamit ng mga bagay na akala'y hindi na mapakinabangan ngunit naggawa pang palamuti at kapakipakinabang.