Ang klima ay ang kabubuang kalagayan ng panahon na tumatagal sa
isang bansa. May kinalaman sa klima ang uri ng ating kasuotan at mga
bahay na itinayo natin.Ang dalawang uri ng klima sa bansa ay ang tag-
araw at tag-ulan.
Ang ating bansa,
katulad din ng iba pang bansang tropical, ay nakararanas lamang ng dalawang
pangkalahatang klima.
May epekto ang lokasyon
ng isang bansa sa uri ng klima at panahon nito. Ang digri ng init o lamig ng
isang pook ay ang kanyang temperatura.
Batay sa masusing pag-aaral ng mga siyentipiko sa panahon, ang
pinakamalamig na buwan ay ang Enero sa dahilang taglamig sa hilagang
hating-globo. Ang pinakamainit naman ay ang Mayo dahil sa patindig
(perpendicular) ang sikat ng araw, bukod sa pagkakaroon ng mga monsoon at
pagkakaiba ng haba ng araw at gabi.
Bagama’t may dalawang pangkalahatang klima lamang sa ating
bansa, ang mga salik tulad ng temperature, halumigmig o humidity, dami ng ulan,
lokasyon, pisikal sa kapaligiran, at pag-ihip ng hangin ay nagpapaiba-iba pa
rin sa klima ng iba’t-ibang pook sa ating bansa.
Ang apat na uri ng klimang nararanasan sa iba’t-ibang bahagi
panig ng bansa ay makikita sa mapang pangklima.