ano ang kaugalian ng mga javanese? ayon sa "kay estella zeehandelaar"

Sagot :

Answer:

Ang kaugalian ng mga Javanese ay ang pagsunod sa tradisyong napakahigpit para sa lahat ng kababaihan. Tila ba wala ng karapatan na maging masaya ang mga kababaihan dahil ang kalayaan ay sobrang ipinagdamot sa kanila at makalaya sila kung ito’y mag-aasawa na. Binibigyang halaga ng mga Javanese ang mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan at dahil dito ay gustong makalaya ng Prinsesa Estella Zeehandelaar sa lumang tradisyon ng mga Javanese.

Explanation:

Bakit masasabi nating walang kalayaan ang mga kababaihang Javanese?

Dahil ipinagbabawal para sa mga kababaihan ang lumabas ng bahay, maliban nalang sa pag-aaral hanggang elementarya at pagkatapos ng labing dalawang gulang (12) ay di na pwede itong lumabas sa bahay hanggang sa may ipagkasundo na mapapangasawa para dito ay makalabas na ito. Ang mga magulang ay ang tanging nagdedesisyon kung kanino maikakasal ang kanilang anak na babae.

Mga kahilingan ng Prinsesang Estella Zeehandelaar, ayon sa kanyang sulat.

Bigyang kalayaan at karapatan ang mga kababaihan sa sumusunod na:

  • Makapag-aral.
  • Makapagtrabaho.
  • Makapagdesisyon.
  • Makapili sa kung sino ang nais nilang mapapangasawa.  
  • Bigyang halaga ang kababaihan.  
  • Makatayo ng mag-isa at hindi para mapailalim kahit na sino man.

Para malaman ang detalye tungkol sa mga ninanais na mangyari ni Estella Zeehandelaar, ay maaaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/2113430

Katangian at hilig ng Prinsesang Estella Zeehandelaar:

1. Naliligayahan si Estella sa pagbabasa.

2. Matatag na babae.

3. Matalino.

4. Iniisip ang kapakanan ng kapwa.

5. Mapagmahal sa magulang.

6. Ang pagbabasa ni Estella ng mga librong Dutch at ang pakikipagtalastasan nito sa mga kaibigan niyang Dutch ay isa mga hilig nito.  

Para malaman ang detalye tungkol sa mga ninanais na mangyari ni Estella Zeehandelaar, ay maaaring tingnan ang link na ito.  https://brainly.ph/question/219552

Ang tagpuan kay Estella Zeehandelaar ay sa Japara, Indonesia (West Java). Ngunit may nabanggit sa sanaysay na nagsasabing si Estella ay nasa India.  

Ebidensya na si Estella ay nasa India:  

  • Nagkukuwento si Estella tungkol sa pinasukang pinakamataas na institusyon ng karunungan, Hoogere-Burger School, ng kanyang mga pinsan at nakatatandang kapatid na lalaki na matatagpuan doon sa India.  
  • May binanggit sa sanaysay na si Estella ay totoo sa puso at isip niya na hindi siya nabibilang sa daigdig ng mga Indian kundi sa piling ng mga puti niyang kapatid na tumatanaw sa malayong Kanluran.    

Para malaman ang detalye tungkol sa mga ninanais na mangyari ni Estella Zeehandelaar, ay maaaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/1671947