anu ang kahulugan ng pasisiil?

Sagot :

Ang salitang “pasisiil” ay varyant ng pandiwang “magpasiil.” Ang salitang ugat ng dalawa ay “siil” na nangangahulugang panggigipit sa kapwa o pang-aalipusta.

Ang salitang pasisiil ay buhay sa diwa ng mga Pilipino dahil nabanggit ito sa Lupang Hinirang, ang Pambansang Awit ng Pilipinas.

“Sa manlulupig, di ka pasisiil.”

Tinutukoy ng naturang linya na hindi magpapaalipusta ang Pilipinas sa mga magtatangkang sakupin ito. Pinatutungkulan nito ang mga sumakop sa bansa partikular ang mga Español. Matatandaang ang Lupang Hinirang ay kinatha nina Jose Palma at Julian Felipe sa kasagsagan ng rebolusyon ng mga Pilipino laban sa España.

Dahil sa pagkakagamit ng salitang pasisiil sa pambansang awit, inuugnay na ito sa opresyon o pang-aapi. Maaari pa rin itong magamit sa kasalukuyang panahon kahit wala na ang mga mananakop. Narito ang ilang halimbawa ng pagkakagamit ng salitang siil.

“Hindi dapat magpasiil sa abusado nilang mga amo ang mga overseas Filipino worker.”

“Tila bagong uri na rin ng paniniil ang diskriminasyon sa mga Asyano sa Estados Unidos.”

“May ilang mayayaman na naniniil ng mga kapuspalad.”

“Huwang kang pasisiil sa mga awtoridad kapag alam mong ikaw ang nasa tama at wala kang nilalabag na batas.”

Matuto pa ukol sa Lupang Hinirang: https://brainly.ph/question/26470549

#SPJ2