Ang opisyal na wika ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus sa saligang batas ng mga bansa, mga estado, at iba pang teritoryo. Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa lehislatibong mga sangay ng bansa, bagama't hinihiling din ng batas sa maraming bansa na isalin din sa ibang wika ang mga dokumento ng gobyerno.