ano Ang implikasyon ng pagkakaroon na malawak na lupain ng asya


Sagot :

Answer:

Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa mundo. Kung ihahambing natin ito sa ibang kontinente, katumbas nito ang pinagsama-samang lupain ng North America, South America at Australia. Binubuo nito ang halos sangkatlong bahagi o “one-third” sa ingles, ng kabuuang lupain ng daigdig. Ito ay nahahati sa Kanlurang asya, timog asya, hilagang asya, silangang asya at timog silangang asya. Para sa karagdagang kaalaman, maaring i-check ang link na ito:

brainly.ph/question/559102

Ngunit ano nga ba ang implikasyon nito?

Ipinapahiwatig lamang nito na ang kontinente ng Asya ay hitik sa maraming klase ng yaman. Mayroong itong mga yamang tubig, yamang lupa at yamang mineral na hindi makikita sa ibang panig na mundo. Dito din matatagpuan ang mga Asyano, na nagtataglay ng sari-sariling pagkakakilanlan sa pamamagitang ng kanilang mga kultura at kaugalian. Mararanasan din ang mga klase ng klima kung bibisitahin ang iba’t-ibang panig nito. Karamihan sa bansa sa Asya ay kasalukuyang nagpapaunlad gamit ang sagana nitong mga likas na yaman.

Maaaring i-click ang mga link na ito upang mas lubos itong maintindihan:

brainly.ph/question/35698

brainly.ph/question/38440