Sagot :
Ang Pag-usbong at Pagwawakas ng Mesopotamia
Ang Mesopotamia ang rehiyon na tinaguriang lunduyan ng kabihasnan o "cradle of civilizations" sa Ingles. Ito ang tinagurian din bilang ang ikalawang makapangyarihang bansa na sumakop at umimpluwensya sa buong lupain. Ang Mesopotamia ay nangangahulugan na lupain sa pagitan dalawang kilalang ilog noon, ang Eufrates at Ilog Tigris.
Basahin ang pinagmulan ng pangalan ng Mesopotamia sa https://brainly.ph/question/229043
Makapangyarihan din ang mga bumubuong sinaunang kabihasnan dito gaya ng:
- Sumerian
- Akkadian
- Babylonian
- Assyrian
- Chaldeans
Maraming mga imbensyon ang nabuo at nalinang sa Mesopotamia gaya na lang ng sa:
- agrikultura
- paglikha ng gulong at araro
- pagpapatayo ng ziggurat
- paglikha ng kalipunan ng mga batas o Hammurabi's Code
Basahin ang kalagayan ng pamumuhay ng Mesopotamia sa https://brainly.ph/question/218169.
Ang Pagbagsak
Ang lakas at kapangyarihan ng Mesopotamia ay naoutol dahil sa pag-usbong ng kapangyarihan ng pinagsanib na puwersa ng Medo at Persia. Ito ay naganap noong mga 532 BCE. Ang lumalakas na noong kaharian ng Persia ay lumusob at natalo sa isang gabi ang kaharian.
Ito ang naging nagpangyaring na maging bahagi ang Mesopotamia sa malawak na Imperyo ng Persya na umabot sa Ehipto. Natapos ang pag-iral ng Mesopotamia dahil sa pagsulong ng sibilisasyon ng Gresya at pagbagsak ng Imperyo ng Persya. Makikita na lamang ang bunton ng mga bato nito sa Timog ng Baghdad Iraq bilang puntahan ng turista.
Mga nananatiling impluwensya ng Mesopotamia:
- relihiysong mga paniniwala gaya ng sa imortalidad.
- mga kapistahan
Basahin ng higit ang impormasyon sa kasalukuyan ng Mesopotamia sa https://brainly.ph/question/229043.