imperyong itinatag pagkatapos ng babylonia


Sagot :

Ang dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Babylonia ay ang pagsakop ng Kassite, Hittite at mga Assyrian.

Imperyo o Kabihasnang ASSYRIAN (900 BCE) ang sumunod na itinatag matapos ang Imperyong Babylonia.

Muling napag-isa ang Mesopotamia sa pamumuno ng mga Assyrian.
Sila ay mahusay sa pakikidigma at itinuring bilang pinakamalupit na tao sa sinaunang panahon.

Ang mga sumusunod ay ang mga namuno:

• Tiglath Pileser I- nagtatag ng imperyo

• Tiglath Pileser III- sumakop sa Syria at Armenia

• Sennacherib- sumakop ng 89 na lungsod at mahigit 200 daang pamayanan.

• Ashurbanipal- nagpagawa ng kaunaunahang silid aklatan sa daigdig na may 200,000 na tablaetang luwad.
Mga ambag

• Pinakaunang pangkat ng tao na nakabuo ng epektibong sistema ng pamumuno sa imperyo.

• Epektibong serbisyo postal

• Maayos at magandang kalsada