Ang wika ay sinasabing kaluluwa ng isang bansa. Ito ang nagbibigkis sa tao sa lipunan at nagiging midyum ng komunikasyon. Sa pamamagitan ng wika ang bawat tao ay nagkakaunawaan at dito na pumapasok ang ibat ibang benipisyo ng angkop na paggamit ng wika. Sa pang araw araw upang maipalaganal ang mga impormasyon ay malaki ang gampanin ng wika sapagkat ito ay gamit sa komunikasyon kung saan nangyayari ang palitan at bigayan ng kaalaman o impormasyon.