Answer:
Ang wika ay nagmula sa salitang Latin na “lengua” na ang kahulugan ay dila. Ito’y isang masistemang gamit sa pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon na binubuo ng mga simbolo at panuntunan. Ito’y isang paraan ng pagpapahayag ng damdamin at opinyon sa pamamagitan ng mga salita upang magkaunawaan ang mga tao.
Ang wika ay nagagamit bilang instrumento ng komunikasyon dahil ginagamit ang wika upang ipahayag ang ating damdamin, pangangailangan, at iniisip sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan ng isang tao sa lahat ng pagkakataon.
Ang wika ay nakabatay sa kultura sa pamamagitan ng wika, nakakaalam at nagkakaugnayan sa pamumuhay, saloobin, tradisyon, mithiin at paniniwala ang mga tao. Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.