Answer:
ang panlapi ay isang morpema na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng isang bagong salita o anyo ng salita. Sa balarilang Tagalog, bumababatay ang sistema ng pandiwa sa paggamit ng mga panlapi.[1] Nalalaman din sa pamamagitan ng panlapi sa Tagalog ang ginagampanang tuon ng isang pangungusap.[1] Gumagamit ng iba't ibang mga panlapi sa pandiwa sa iba't ibang ginagampanan nito. [2]