Ang kahulugan ng
napapatigagal ay nagulat o hindi makapagsalita sa sobrang gulat. Ang pasigan
naman ay nangangahulugang baybayin o tabing-dagat o tabing-ilog. Ang ibig
sabihin ng sinasagkaan ay tinutulan, hinadlangan o hindi sinang-ayunan. Ang
naghunos naman ay nangangahulugang nagpalit o nagbago. Ang dayaray ay isang
alalay o mensahero na may
tungkuling sundin ang lahat ng ipinag-uutos ng kanyang amo. Sa modernong
panahon maaari din itong maihalintulad sa isang pribadong imbestigador. Sa
kuwento ni Alunsina at ni Tungkung Langit, isinumpa ng huli ang dayaray ni
Alunsina at ginawang hihip ng hangin dahil sa pagsunud nito sa kanya