Ang langis at petrolyo
ang nagbunsod sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya ng Kanlurang Asya sapagkat
mayaman sila sa naturang mga produkto. Maraming mga bansa ang walang likas na
pinagkukunan ng langis at petrolyo kung kaya't umaangkat sila sa mga bansa sa
Kanlurang Asya upang magkaroon ng magagamit na langis at petrolyo ang kanilang
bansa. Sa ganitong paraan nabubuhay at lumalago ang ekonomiya ng mga bansa sa
Kanlurang Asya. Ang mga bansang walang natural na pinagkukunan ng langis at petrolyo ay umaangkat sa Kanlurang Asya, at sa ganitong paraan naipapasok ang malaking halaga mula sa iba't ibang bansa.