Ang dayaray ay isang
alalay o mensahero na may
tungkuling sundin ang lahat ng ipinag-uutos ng kanyang amo. Sa modernong
panahon maaari din itong maihalintulad sa isang pribadong imbestigador. Sa
kuwento ni Alunsina at ni Tungkung Langit, isinumpa ng huli ang dayaray ni
Alunsina at ginawang hihip ng hangin dahil sa pagsunud nito sa kanya.
Ang kasingkahulugan ng
napatigagal ay napatulala sa gulat o sobrang nagulat.
Ang kasingkahulugan ng pasigan ay dalampasigan o
tabing-dagat, baybayin o tabing - ilog.
Ang kasingkahulugan ng sinasagkaan ay tinutulan
o hinahadlangan o hindi sinasang-ayunan.
Ang kasingkahulugan ng naghunos ay
nagkumpul-kumpol o napakarami. Maari ding itong nangangahulugang nagbago o nagpalit ng anyo o kasuotan.