ano ang mga kulay na analogo at ano ang ibig sabihin nito??

Sagot :

Ang kulay na Red, red-orange, at red-violet ay mga halimbawa ng kulay analogo. Ang kulay analogo ay mga grupo ng tatlong kulay na magkasunod sa bawat isa sa gulong ng kulay o color wheel, na may isang kulay na  nangingibabaw kung saan ito ay maaring isang primarya o sekundaryong mga kulay, at ang isa ay nasa magkabilang panig ng kulay.
Ang katagang analogo ay  tumutukoy sa pagkakaroon ng pagkakatulad, o naaayon sa isang partikular na bagay . Ang isang analogo na kulay ay lumilikha ng isang matingkad o mayamang hitsura ng kulay. Ito ay pinakamahusay na ginagamit sa alinman sa mainit-init o malalamig na kulay.