pamilya, at pamayanang handa ,katuwang sa pagunlad ng bansa

Sagot :

Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakasalalay sa mga taong naninirahan dito. Ang isang bansa na mayroong pamilya at pamayanang handa ay napakagandang katuwang sa pag-unlad. Kailangan na ang bawat pamilya ay mayroong sapat na kaalaman at kakayahan upang pamahalaan ang sari-sariling pamilya nang sa ganoon ay magiging handa itong makibahagi sa isang mas malaking komunidad gaya ng pamayanang tinitirhan. Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakadepende sa pagsisikap at pagmamalasakit ng bawat mamamayan at pamilya ng bansa.