Kahulugan ng alokasyon?


Sagot :

Ang ibig sabihin ng alokasyon ay tumutukoy sa pamamaraang paglalaan o pagbabahagi ng takdang dami ng pinagkukunang yaman ayon sa pangangailangan at kagustuhan. Ito ay paraan din ng pangangasiwa at pamamahagi ng mga produkto at serbisyo upang makamit ang kasiyahan sa kabila ng limitadong pinagkukunang-yaman. Ito ay nakakatulong sa suliraning dulot ng kakapusan.  

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kahulugan ng alokasyon, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/547910

Mga halimbawa ng alokasyon:  

  1. Alokasyon sa gastusin ng pamahalaan para sa bansa
  2. Alokasyon sa gastusin ng isang pamilya
  3. Alokasyon sa gastusin ng isang indibidwal na tao
  4. Alokasyon para sa pinagkukunang-yaman

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa halimbawa ng alokasyon, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/346159

Mga kahalagahan ng alokasyon:

  • Upang makatulong sa suliraning kakapusan ng isang lipunan
  • Upang mapigilan ang labis-labis na paglikha ng mga kalakal o serbisyo para maiwasan ang kakulangan ng mga ito
  • Upang matiyak na mapupunta sa mga pangangailangan kaysa sa kagustuhan
  • Upang ang limitadong pinagkukunang-yaman ay magamit sa episyenteng pamamaraan

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa mga kahalagahan ng alokasyon, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/168580