Sa aking personal na opinyon, ang kasarian ay kailanman hindi dahilan o rason para magkaroon ng limitasyon sa iyong sarili lalung-lalo na sa pagpapaunlad ng iyong sarili. Sa panahon ngayon kung saan pantay na at magkatulad na ang pagkikilala ng lipunan sa babae at lalaki ay nagagawa na ng bawat isa na gawin ang gusto nila hangga't hindi ito nakakasama sa iba. Ngunit hindi natin maitatanggi na ang mga bakla at mga tomboy sa panahon ngayon ay hindi pa masyadong tanggap sa lipunan dahil sa ideya ng diskriminasyon . Kung pananatilihin lang ang pagiging bukas ng isipan ng mga tao ay wala naman talagang dapat limitasyon dahil lamang sa kasarian ng tao.