kahulugan ng mixed economy

Sagot :

MIXED ECONOMY

Ito ay sistemang kinapapalooban ng market economy at command economy.

Walang maituturing na isang tiyak na kahulugan ang nasabing uri ng pang-ekonomiyang alokasyon.

Ngunit ito ay kinapapalooban ng kaugnay na katangian ng dalawang sistema tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinapahintulutan ng pamahalaan at pagkontrol ng pamahalaan sa ilang korporasyon.

Ang mixed economy ay nabuo upang tukuyin ang sistema kung saan ang katangian nito ay kombinasyon ng command economy at market economy.

Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan ngunit ang pamahalaan ay pwedeng manghimasok.  Ito ay dahil sa mga usaping pangangalaga ng kalikasan, hustisyang panlipunan, o pagmamay-ari ng estado.

May pribadong pagmamay-ari sa mga salik ng produksiyon, imprastruktura, at mga institusyon sa ganitong klase ng ekonomiya. Maaari ring maging pag-aari ang mga ito ng pamahalaan.

Ang sistema ay nagpapahintulot din na makagawa ng mga pribadong pagpapasya ang mga kompanya at indibidwal ukol sa pananalapi.