Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa napapanahong usapin

Sagot :

Answer:

Ang sarap pakinggan at isipin na ” Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan”. Ngayon, pag-asa parin kaya sila ng bayan?

Ang daming kabataan na ang naligaw na ng landas. Nalulolong sa droga, tamad ng mag-aral, nagagawi sa mga maling bisyo at kung minsan pa nasasangkot sa mga krimen. Habang tumatagal nawawala na rin ang kanilang respeto sa paaralan at maging sa kanilang tahanan. Nawawalan na sila ng paggalang sa guro, kapwa at sa kanilang mga magulang at maging sa paggamit ng ‘po at opo’ kanila na ring kinalimutan.

Maraming kabataan ang matatawag mo pang pag-asa ng bayan, may mataas na pangarap sa buhay ,may pagpapahalaga sa edukasyon at may pagmamahal sa ating bayan, ngunit mas marami parin ang mga kabataang walang direksiyon sa buhay, mga kabataang nagbago kasabay ng paglipas ng panahon. Kung nabubuhay pa kaya si gat Jose Rizal, matutuwa kaya siya sa kalagayan ngayon ng mga kabataan? Marahil ay hindi!

Gumising na tayo sa mga mali nating ginagawa, tayo na at magsilbi sa ating bayan, huwag nating hayaang tayo ay maging salot sa ating lipunan o sa ating bayan sa halip ay ating panindigan na tayong kabataan ang pag-asa ng bayan.