Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Isulat ang malaking titik M kung ang tunog o tinig ng sumusunod na aksiyon ay malakas. Isulat ang K kung ang daynamiks nito ay katamtaman. Isulat naman ang maliit na titik m kung ito ay mahina. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Humahalakhak
2. Nakikipagkuwentuhan
3. Nagdarasal nang taimtim
4. Nakikipag-usap sa telepono
5. Nagagalit
6. Bumubulong