Ang slogan ay isa rin sa mga maraming
patimpalak na inihahanda ng paaralan kapag may ipinadiriwang ito lalung-lalo na
ang buwan ng nutrisyon. Ngayong taon na ito, ang tema ng buwan ng nutrisyon ay
"Timbang Iwasto para sa Nutrisyon at Mag-Ehersisyo". Ang tema ay
malinaw na nagpapahayag na ang natatanging paraan upang makuha ang tama at
malusog na timbang ay ang pagkain ng tama at masustansiyang pagkain at
sasabayan ng ehersisyo. Ang magandang slogan para sa temang ito ay "
Pagkain ng Tama ay Laging Isagawa upang Mapanatili ang Malusog at
Magandang Timbang at Pangangatawan".