Ano ang kabutihang panlahat

Sagot :

Kabutihang Panlahat

Ay ang pagdedesisyon ng hindi lamang sa ikabubuti ng ating sarili bagkus ay sa ikabubuti ng nakararami.dahil sabi nga walang sinuman ang nabubuhay ng para sa sarili lamang.Ito ay Pagpapahalagang naiiba sa pansariling kapakanan.Ito ay ang kabuuan ng Pamumuhay Pangkabuhayan,Panlipunan at pangkultural na nagbibigay daan sa tao upang kaagad nilang matamo ang kaganapan ng kanilang pagkatao.Ito rin ay ang pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi sa lipunan.

Tatlong Elemento ng Kabutihang Panlahat:

1. Paggalang sa pagkatao ng indibidwal

2. Kagalingang Panlipunan

3. Kapayapaan at Kaligtasan

Paggalang sa Pagkatao ng indibidwal

Ang paggalang sa kapwa ay paggalang sa kanyang dignidad,pagpapakita ng respeto at paggalang sa kanyang mga karapatang pantao.

Kagalingang Panlipunan

Tungkulin ng Pamahalaan na bigyan ang tao ng kanilang mga pangunahing pangangailangan tulad ng mabuting trabaho,sapat na pagkain,edukasyon atbp.

Kapayapaan at kaligtasan

Tungkulin ng mga maykapangyarihan na tiyakin ang kaligtasan at mapanatili ang kapayapaan sa lipunan.tungkulin nilang maipatupad ang batas upang maayos ang kalakaran sa lipunan.

Para sa iba pang Impormasyon maari rin magpunta sa;

• Slogan of kabutihang panlahat https://brainly.ph/question/1612511

• Sample of kabutihang panlahat https://brainly.ph/question/1756508

• Ano ang kabutihang panlahat https://brainly.ph/question/1515676