Maraming dahilan upang magkaroon ng mga malware at virus ang mga kagamitan mong nakakakonekta o kahit hindi man nakakakonekta sa internet. Nagkakaroon ng virus at malware dahil sa mga sumusunod:
1. Pagbisita sa mga pekeng website.
2. Paglalagay ng mga gamit, tulad ng USB drive, sa isang kompyuter na mayroong virus o malware tungo sa kompyuter na malinis.
3. Pagbisita ng mga bastos na website.
4. Ang hindi pagkakaroon ng mga anti-virus software.
5. At, ang sadyang paghack ng mga blackhat hackers ng mga kompyuter o gadget at ang paglalagay ng mga malware o virus dito.