mga halimbawa ng idyolek,dayalek,sosyolek,etnolek,ekolek,pidgin at creole?

Sagot :

Mga halimbawa ng idyolek,dayalek,sosyolek,etnolek,ekolek,pidgin at creole?

Halimbawa ng idyolek

• “Magandang Gabi Bayan!” Ito ang pagsalita ni Noli De Castro sa kanyang pagbalita.

• Malumanay na pananalita ni Tiya dili sa kanyang programang Tiya Dili “ Ito inyong Tiya dili”.

Ano ang  idyolek

• Ito ay isang yunik na pamamaraan ng paggamit ng wika. Ito ay isang na salita na karaniwang ginagamit ng isang indibidwal. Ito ay ang istilo at tono ng isang mananalita sa pagsalita.

Halimbawa ng Dayalek

1. Dayalekto ng ibanag na gamit ng taga Isabela at Cagayan

2. Cuyonon ang dayalek ng mga taga palawan

3. Hiligaynon ang dayalek ng taga bisaya.

Ano ang dayalek?

•  Ito ay ginagamit na wika sa pook, bayan o lalawigan

• Natatangi ang bokabularyo, bigkas, tono,haba, diin, at istruktura ng pangungusap.

Halimbawa ng sosyolek

1. Sana all maganda. Ito ang salitang binibigkas ng mga kabataan sa social media na mayroong parehong interes.

2. Charot ang ganda ganda mo naman mother!. Ito ang mga salitang binibigkas ng mga bakla o mga gay lingo sa kanilang pagsalita.

Ano ang sosyolek?

• Ito ay barayti ng wika na nalilikha ng pangkat ng tao batay sa kanilang uring panlipunan, edad, kasarian, interes, at trabaho.

Halimbawa ng etnolek?

“ Ambo surungan mo”- sa tagalog saan ka pupunta . Ito ang salita ng tribong Palawan sa Pilipinas na nakatira sa probinsya ng Palawan.

Ano ang etnolek?

• Ito ang tawag sa wika ng gamit ng mga katutubo o pangkat etniko.

Halimbawa ng ekolek

Dahil ilokano ang ama at in ani Virgie ay Ilocano na din ang wikang gamit nila sa tahanan.

Ano ang ekolek ?

• Ito ay ang mga wikang binabanggit at ginagamit sa pakikipagtalastasan sa bahay.

Halimbawa ng Pidgin

• Ako punta bahay mo, ikaw alis di paalam- Ito ay ang mga salita ng mga intsik na nagsusubok na magsalita ng salitang tagalog.

Ano ang pidgin?

• Ito ay ang barayti ng wika  na nalikha kung saan ang tagapag salita ay walang komong wika at nagtatangkang mag-usap.

Halimbawa ng creole?

• Ang salitang chavacano ay isang Spanish based creole na sinasalita sa Zamboanga.

Related Links:

brainly.ph/question/1132356

brainly.ph/question/608405

#BETTERWITHBRAINLY