mga mungkahing solusyon para sa pagkasira ng kagubatan?


Sagot :

        Ang pagkakalbo ng kagubatan  ay mabigat na suliranin ng bansa. Ang mismong pamaraan sa pag-aani ay maaaring labag sa batas, kabilang na ang paggamit ng masamang paraan upang makakuha ng  daan sa mga gubat; bunutan nang walang pahintulot o mula sa isang protektadong lugar; ang pagputol ng mga protektadong species; o sa pagkuha ng troso na higit sa napagkasunduan ng mga limitasyon.                
         Upang masolusyunan ang pagkasira ng kagubatan, dapat magkaroon ng kaalaman ang mga mamayan tungkol sa pagkonserba ng kagubatan. Ang labis pagputol sa kahoy ay dapat limitahan. Kung may puputulin na kahoy, dapat itong palitan. Ang pagkuha ng sapat at ayon sa kailangan lamang ay isa din sa mga paraan upang matugunan ang suliraning ito.