ano ang kahulugan ng
panahon ng kawalang malay?
tangis na pagmamaalam?
sinubok ng maraming taon?
kulturang kasalungat? at
sinasalamin ang pasko't pistang bayan?


Sagot :

Ang ibig sabihin ng panahon ng kawalang malay ay panahon ng kamangmangan kung saan ang mga tao at hindi nakapag-aral at walang masyadong alam sa mga bagay-bagay.
Ang tangis ng pamamaalam ay nangangahulugang ang luha at ang pag-iyak dulot ng sakit at pait ng paglisan ng taong minamahal.
Ang sinubok ng maraming taon ay ang pagkakaroon ng maraming suliranin sa loob na napakahabang panahon. Iyong tipong hindi na maubus-ubos ang mga problema.
Ang kulturang kasalungat ay iyong mga paniniwalang hindi naayon o hindi pumapanig. Ito yung paniniwalang naiiba.
Ang sinasalamin ang pasko't pistang bayan ay nangangahulugan ng pagiging makulay, masaya at magarbo. Lahat walang ibang iniisip kundi magsaya lamang.