Ang mga idyoma o Idyomatikong Pahayag o Salitang Matalinghaga, ay parirala o
pangungusap na ang kahulugan ay kumpletong magkaiba ang literal na
kahulugan ng salitang gawa sa matalinghagang salita. Ang
Idyomatikong Pahayag ay naging pangmalawakang gamit dahil ito'y
Makahulugang Mensahe.
HALIMBAWA:
1.Mapaglubid ng buhangin- Sinungaling
(Si Juan ay napaka mapaglubid buhangin,nahuli na
tumatanggi pa.)
2.Butot balat-Payat na payat
(Kagagaling lang ni Ana sa sakit kaya siya ay butot
balat.)
3.Butas ang bulsa-Walang pera
(Si Ana ay sobrang magastos tuloy ngayon siya ay butas
ang bulsa.)
4.Dibdiban-
Totohanan
(Gusto niyang makatapos kaya dibdiban ang kanyang
pag-aaral.)
5.Kisapmata– Iglap
(napakabilis niyang tumakbo sa isang iglap bigla siyang
naglaho.)
6.May sinasabi – Mayaman
(Bali wala sakanya ang pera dahil siya ay may sinabi.)
7.Isang kahig, isang tuka- Husto lamang ang kinikita sa
pagkain
(Ang mga mahihirap ay isang kahig isang tuka.)
8.Matandang tinali-Matandang binata
(Si mang Jose ay masyadong mapili sa babae kaya ngayon
siya ay matandang tinali.)
9.Bulanggugo- Galante sa gastahan
(Padating sa gimikan si Jose ay bulanggugo.)
10.Bukambibig -Laging nasasabi
(Si Joseph nalang ang lagging bukang bibig ni Ana.)