Ano ang kahulugan ng solid waste

Sagot :

Ang Solid Waste ay tumutukoy sa anumang basura, mga kalat, mga duming tinanggal sa isang water treatment facility, o kahit ang mga duming tinanggal sa air pollution control facility, anumang bagay na itinapon. Isa itong pag-uuri sa ilalim ng Waste Segregation Management na ipinatutupad sa buong daigdig.

Mababasa mo pa ang ilang impormasyon sa kahulugan ng Solid Waste sa link na ito: https://brainly.ph/question/617094.

Uri ng Solid Waste

Ang Solid waste ay maaaring mauri depende sa pinagmumulan ng basurang ito. Ito ay ang mga sumusunod.

  1. Municipal Solid Waste (MSW)
  2. Hazardous Wastes
  3. Industrial Wastes
  4. Agricultural Wastes
  5. Bio-Medical Wastes
  6. Waste Minimization

Halimbawa ng mga Solid Wastes

Kabilang sa solid waste ang mga sumusunod:

  • likido
  • mga kemikal na galing sa mga pagawaan
  • mga kemikal na galing sa pagmimina
  • sa mga gamit pang-agrikultura

May mga bagay na kapag nasira o tinapon na ay masasabing solid waste. Narito ang ilan:

  • Sirang gulong
  • Mga scrap na metal
  • Pintura
  • Mga Furniture at mga laruan
  • furniture and toys
  • Basura
  • Appliances at sasakyan
  • Langis
  • Mga ginamit sa construction

Isyu sa Solid Waste

Sa simpleng pananalita, ang solid waste ay mga basurang ikinalat at pinababayaang kumalat sa ibat-ibang lugar. Pwede itong matukoy na mga matitigas na bagay, mga likido o mga gas. Marami kang maiisip at makikitang bagay na kabilang sa solid waste.  Ang totoo, dito sa Pilipinas, ang solid waste ay napakarami, kung saan-saan ito makikita at ang masaklap, ay mayroon itong masamang epekto sa kalusugan at kapaligiran.

Kung ikukumpara sa ibang bansa, maraming mga paglalaan ang pamahalaan nila kung paano higit na malulunasan ang produksyon ng Solid Waste. Makikita mo din ang disiplina ng mga tao mula sa paghihiwalay ng basura, pagtatapon at apgsunod sa legal na mga kahilingan ng batas.

Ano ang puwedeng epekto ng maling pagtatapon ng solid wastes? Basahin ang mga links na ito: https://brainly.ph/question/611169; https://brainly.ph/question/581158.