katangian ng mural painting

Sagot :

            Ang mural painting ay isang piraso ng likhang sining na nilalagay o mailalapat nang direkta sa isang pader, kisame o iba pang mga malalaking permanenteng kalatagan. Isang tanging katangian ng mural painting ay ang mga arkitekturang  sangkap na bigay ng puwang ay magkatugma at magkabagay na pinagkaisa sa larawan.
         Halimbawa nito ay ang mural painting sa Catal Huyuk na nagsisilbing rekord ng mga naging tunggalian at pakikipaglaban ng mga sinaunang tao sa mga hayop upang manatili sa iisang lugar at maging sa kabuhayan nila.  Kadalasan sa mga ito ay nagpapakita ng ugnayan ng tao at ng mga hayop. Ang mga hayop na nasa mga painting ay baka, kabayo, usa, baboy-ramo.