ano ang pangunahing kaisipan ng binasang sanaysay na ang ningning at ang liwanag?


Sagot :

Para sa akin, ang pangunahing kaisipan ng binasang sanaysay na ang Ningning at ang Liwanag ay ang “Pagiging Makabayan at Pagkakaroon ng Bukas na Isip ng mga Pilipino”.


**************************************************

Para mas maunawaan: Ang pangunahing kaisipan ay parang tema. Ito ay ang pinakatinutumpak na mensahe ng isang artikulo gaya ng sanaysay, kwento, nobela, tula, dula, o ng kung anumang panitikan. Nakatutulong ang paghinuha nito sa pagbuo ng sariling persepsyon, opinyon, at pagpapakahulugan sa nabasa. 

**************************************************

Ang isinulat ni Emilio Jacinto na Ang Ningning at Ang Liwanag ay sanaysay ukol sa mga Pilipinong nasilaw at halos mga nabulag ng mga material na bagay at yaman sa mundo. Ang mga karangyaan na ito ay dala ng mga dayuhang nanakop sa ating bansa. Tinanggalan nila tayo ng identidad.

 

Batid ng akda na ang mga Pilipino ay sadyang nahumaling sa makamundong mga kilos at pag-iisip na dala ng kolonyalismong lumupig  sa inang bayan at tuluyang nawala ang pagkakilanlan ng mga Pilipino sa kaniyang sarili kung kaya’t nais niya na mabago ang kaisipan ng kanyang mga kababayan

 

Sinikap ni Emilio Jacinto na bigyan ng bagong perspektibo ang mga Pilipino. Layunin niyang magkaroon ng bukas na pag-iisp ang sinomang makababasa ng kanyang isinulat. Ang persepsyong ito ay hinggil sa mas mahalagang kayamanang dala ng kolonyalismo, karangyaan at kapangyarihan laban sa tunay na yaman na dala ng kaliwanagan at kalawakan ng kaisipan.



(Tingnan kung ano ang tema at nilalaman ng ang ningning at ang liwanag,  anyo at estruktura, wika at estilo - https://brainly.ph/question/165464)

 

 

Ang layunin ng may akda sa pagsulat ng kanyang sanaysay na ANG NINGNING AT ANG LIWANAG mula sa kanyang LIWANAG AT DILIM ay may koneksyon sa kanyang pagiging "Utak ng Katipunan".  

 

Gusto niyang iparating sa mga Pilipino na ang magagara't magagarbong bagay na dala ng mga dayuhan ay hindi ang mga bagay na ikasasaya sa buhay. Inihihiling ng may akda na sana ay manatili ang pagiging mapagkumbaba ng mga Pilipino. Sana ay huwag na silang masilaw sa kayamanan at sa kapangyarihan na walang hangad kundi ang maging ganid lamang ang mga tao at pag-away-awayin ang mga ito. Sana ay mapanatili ng mga Pilipino ang kanilang pagiging makatao. Inimumungkahi ni Emilio sa kanyang sanaysay na sana ay panatilihing nakatuon ang atensyon sa kung ano ang mas mabuti para sa lipunan. May diin ang mensahe niyang huwag magpapadala sa mga kasamaang naiisip para lamang kainggitan at purihin ng mga tao.

Bagama’t ang porma at katanyagan ay masarap sa pakiramdam, kung para lamang makuha ito ay nagkakasala’t nawawala ang nasyonalismo at sosyalismo ng isang mamamayan, hinding-hindi ito magiging mabuti sa bayan.

 

(Tingnan ang iba pang impormasyon sa - https://brainly.ph/question/170807)

 

 

Narito ang halaw mula sa ANG NINGNING AT ANG LIWANAG ni Emilio Jacinto (Ito ay ang Ika-2 paksa sa mahabang sanaysay niyang na “Liwanag at Dilim”)

 

“Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira ng paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay. Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot. Ang ningning ay maraya.”

 

(Link na may kaugnayan: Isa-isahin ang pagkakaiba ng ningning at liwanag ayon sa sanaysay. https://brainly.ph/question/143605)