Ang mga katangian ng mabuting pinuno

Sagot :

Answer:

Nailalagay niya ang kanyang sarili sa kalagayan o sitwasyon ng kanyang pinamumunuan

Kakayahan mag desisyon sa mga mahihirap na mga bagay.

Alam niya na hindi niya kaya ang lahat ng gawain.

Husay sa pakikipag ugnayan at pakikipag-usap sa kanyang mga kasamahan sa trabaho

Answer:

Mga katangian ng mabuting pinuno.

•Isang tao na hindi inilalagay sa kompormiso ang kanyang integridad at karakter kapag walang sinuman na nakatingin.

•May natatanging moralidad at matibay na paninindigan sa katotohanan.

•May kusang-palo at masidhing makamtan ang tagumpay para sa kagalingang panlahat.

•Hindi palaasa at laging naghihintay sa mangyayari na kailangan pang utusan.

•Hindi pabaya at laging nakatuon sa mga bagong inpormasyon at makabuluhan para sa kaunlaran ng bayan.

•Pinangangalagaan ang kanyang karangalan at pangalan ng kanyang pamilya maging sa pribado at publikong paningin.

•Hindi mapagkanulo, doble-kara o balimbing sa pabagu-bagong panahon, sa mga kaalyado, sa partido, at sa antas ng paglilingkod.

•Hindi matabil ang dila, walang panahon sa mga walang katuturan at hindi nakakatulong, at laging nasa makabuluhang paggawa ang atensiyon.

•Masigasig na mabago ang kapaligiran laban sa kahirapan, kabuktutan, at kamangmangan.

•Hindi tamad at laging nasa mga aliwan, sugalan o bisyo ng katawan, bagkus nasa paglilingkod lamang sa sambayanan.

Pa-brainliest thank you!