Sitwasyon 1 SI Mina ay galing sa di-marangyang pamilya. Labis siyang nagnanais na makabili ng cellphone kung kaya't isang araw ay naisipan niyang sulsulan ang kaniyang kaibigan para kumupit ng pera sa kanilang kapitbahay. Sumamanaman ang kaniyang kaibigan sa kaniya at ginawa ang plano ni Mina. Taliwas ng pagmamahal ng kanilang mga magulang ay nagawa pa rin nila ito (Gabay na mga tanong) 1. Ano ang katangian na taglay ni Mina? 2. Kung ikaw ang kaibigan ni Mina, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit? 3. Kung ikaw ang magbibigay ng payo sa kaniya, Ano ang maipapayo mo sa kaniya? Bakit?
Sitwasyon 2 Si Loy ay isang matalinong bata. Palagi siyang nangunguna sa klase. Sa pagiging matalino niya ay palagi niyang tinutulungan ang kanyang mga kaklase tuwing sila ay nahihirapan sa kanilang mga asignatura. Nilalaanan talaga niya ng oras ang pagtulong sa kanila. Kaya naman ay buong pusong nagpapasalamat ang kaniyang mga kaklase sa kanya. (Gabay na mga tanong) 1. Tama ba ang inasal ni Loy? Bakit? 2. Kung ikaw ang kaklase ni Loy, gagawin mo rin ba ang ginagawa ni Loy?