Ano ang kahalagahan ng pagmimina ?

Sagot :

Ano ang Kahalagahan ng Pagmimina?

Ang industriya ng pagmimina ay itinuturing na isa sa pinakamabilis na lumalagong ekonomiya sa buong mundo. Ang kontribusyon ng pagmimina lalo nasa mga bansang nag-eexport ng mga produktong mineral ay may malaking benepisyo. Maraming mga umuunlad na bansa ang nakasalalay sa kanilang mga mapagkukunan ng mineral tulad ng karbon, tanso, ginto, at iba pa. Ang lahat ng mga yamang mineral na ito ay nagbubukas ng maraming mga pagkakataon para sa maraming mga ekonomiya.

Mga Kahalagahan ng Pagmimina  

  • Ang pagbibigay ng kabuhayan sa mga lokal na pamayanan sapagkat halos lahat ng aspeto ng ating modernong buhay ay umaasa sa mga mineral o produktong mineral.  brainly.ph/question/424605
  • Nagbibigay ng maraming oportunidad sa lokal na pamahalaan at nag-aambag sa ekonomiya nito.
  • Nagsusulong ng isang mas mahusay na paggamit ng enerhiya na nakatitipid ng pera ng mga tao. Ang enerhiya ay isang malaking tulong upang mapanatili ang kalidad ng pamumuhay.
  • Mahalaga sa paggawa ng mga kalakal, serbisyo, at imprastraktura na nagpapabuti sa kalidad ng ating buhay.
  • Nagtataguyod ng kamalayan sa kapaligiran sa pamamagitan ng mga programa ng rehabilitasyon na nagreresulta sa mas maraming makabagong mapagkukunan.
  • Nakapagbibigay ng mahahalagang materyales upang makatulong sa pagpapadali o paggawa ng mga bagong produkto na bunga ng inobasyon.
  • Patuloy na nagkakaroon ng malaking investments tungo sa pagbuo ng matagumpay na teknolohiya.

#LearnWithBrainly

Mga karagdagang links tungkol sa Pagmimina:

Positibo at negatibong epekto ng pagmimina? brainly.ph/question/530824

Ano ang suliranin ng pagmimina? brainly.ph/question/543005