PAGTATAYA
Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa guhit.
____1. Ano ang tawag sa pangkat ng tao sa lipunan na kinabibilangan ng mayayamang
Pilipino at mestisong Espanyol?
A. liberal C. regular
B. panggitnang uri D. sekular
____2. Sino ang hindi kasali sa pangkat ng mga Ilustrados na nag-umpisang
ipagtanggol ang karapatan at kalayaan ng mga Pilipino?
A. Jose P. Rizal C. Marcela Marcelo
B. Marcelo H. Del Pilar D. Mariano Ponce
____3. Ang tawag sa pangkat ng mga tao noong panahon ng Espanyol na kung saan
ang ama at ina ay mula sa lahing Pilipino?
A. creole C. insulares
B. indio D. peninsulares
____4. Alin ang hindi nakamit ng mga panggitnang uri sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino.
A. nakapag-ari ng mga lupain
B. nakipagkalakalang panlabas
C. naglinang ng mga pinagkukunang-yaman ng Pilipinas
D. binawian ng mga ari-arian ng mga opisyal sa pamahalaang Espanyol.
____5. Alin ang dahilan ng pag-usbong ng panggitnang uri?
A. Ang pagbitay sa tatlong pari.
B. Naging mabilis at malapit ang paglalakbay mula sa Espanya.
C. Nagkaroon ng pagbabagong pampulitika, pangkabuhayan, panrelihiyon at
edukasyon.
D. Sa pagpasok ng malaking kapital ng mangangalakal naging masagana ang
pamumuhay ng mga katutubo kaya yumaman at nakapag-aral ang mga Ilustrado
o panggitnang uri.