1. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng epekto ng kolonyalismo at imperyalismong kanluranin
sa ekonomiya ng bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya noong ika 16-19 siglo?
a. Nagpatayo ng mga simbahan upang maipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo
b. Nagtalaga ng mga banyagang kinatawan upang pamunuan ang nasakop na bansa.
c. Nagpagawa ng mga kalsada at riles ng tren upang mapabilis ang pakikipagkalakalan
d. Nagpalabas ng mga kautusan upang mapusunod ang mga Asyano
2. Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog- Silangang Asya ang sinakop ng mga kanluranin noong
unang yugto ng imperyalismo. Ang unang yugto ng imperyalismo ay naganap noong :
a. 17-18 siglo b. 16-17 siglo
c. 18-19 siglo
d. 19-20 siglo
3. Sa paglaya ng maraming bansa sa Asya ang isa sa pinaka-nakatulong upang makamit ang paglaya
ay ang pagkakaroon ng pambansang kamalayan kagaya nang pagtatanggol sa bayan at paghahandog
ng sarili para sa bayan. Ang konseptong tinutukoy ay:
a patriotism b. nasyonalismo c. kolonyalismo
d. neokolonyalismo
4. Inanyayahan ka ng iyong kaibigan na maood ng pagtatanghal ng Miss Saigon na gaganapin sa CCP
Gumanap bilang Kim ang pangunahing tauhan sa nasabing pagtatanghal, Si Lea Salonga. Sa anong
larangan siya nakilala?
a, arkitektura b. palakasan c. musika
d. politika
5. Isang Portuguese na naglayag para sa Hari ng Espanya at napatunayan sa kaniyang paglalakbay na
bilog ang mundo
a. Marco Polo b. Douglas McArthur
c. Ferdinand Magellan
d.
Ferdinand Marcos
6. Ano-ano ang mga bansang kanluranin na nanakop sa mga lupain sa Silangan at Timog-Silangang
Asya?
a Great Britain, Netherlands, Portugal, Spain c. Portugal, USA, Spain
b. France, Netherlands, Spain, Portugal d. USA, Spain, Portugal, Great Britain
7. Nadama ng maraming bansa sa Timog- Silangang Asya ang pagnanais na lumaya. Alin sa mga
sumusunod ang isa sa mga pamamaraang ginamit kagaya ng Pilipinas, Indonesia, Myanmar at iba pa
upang lumaya?
a. pagsunod at paghintay
c. pagtutol at pakikipagtulungan
b. pakikipagtulungan at pagpapakabuti
d. pananahimik at pagsasawalang bahala
8. Paano nakatulong ang relihiyong Kristiyanismo upang mapasunod ang mga Pilipino?
a nasakop ng relihiyon ang pag-iisip at damdamin ng mga Pilipino,
b. Pinapatay ang sinumang hindi aanib sa relihiyon.
c. Binibigyan ng mataas na posisyon ang mga aanib.​