paanong ang samahang kababaiban ay makakaapekto sa anong solusyon? ​

Sagot :

Answer:

Malaki ang naging papel ng kababaihan sa kasaysayan ng Pilipinas.

Unang-una ay sa pagkakapantay-pantay. Sa panahon ng digmaan, ipinakita ng mga kababaihan na hindi hadlang ang kanilang kasarian upang iwaksi ang mapangabusong ideyalismo ng mga kolonyalistang bansa at hindi lamang lalaki ang marunong lumaban. Halimbawa nito ay sina Trinidad Tecson at Gabriela Silang.

Ikalawa naman ay sa pang-ekonomiya. Noon hanggang ngayon, ipinakita ng mga kababaihan na kaya nilang sumabak sa kahit anong trabaho mapaloob o labas man ng bansa. Katunayan ay binago nila ang 'norm' kung saan itinuturing na 'breadwinner' ng pamilya ay ang tatay o ang panganay na lalaki. Pinatutunayan ng mga kababaihan na kaya nilang magbigay karangalan sa kanilang pamilya at maging sa bayan. Kung noon ay sina Efren 'Bata' Reyes at Manny Pacquiao lamang ang ating iniidolo, ngayon ay maraming kapitag-pitagang babae ang nagpapamalas ng kani-kanilang galing sa iba't ibang patimpalak.

Ikatlo sa pampulitika, noon ay pawang kalalakihan lamang ang naghahalal ng mga pinuno sa ating bayan dahil naniniwala sila sa ideolohiyang ang babae ay pambahay lang. Ito ang binasag noong dekada '30 sa ika-20 siglo, kung saan pinayagan bumoto ang mga kababaihan. Kung titingnan, hindi sila nagkamali dahil dapat lamang na mangialam ang mga kababaihan sa nangyayari sa lipunan at maging sa ngayon kung saan mayroong mga pinunong pambayan, panlalawigan at pambansa na babae na nagpapakitang kaya nilang mamuno sa epektibong paraan na misana higit pa sa kalalakihan

Explanation: