1. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
a. paggawa
b. ekonomiya
c. migrasyon
d. globalisasyon
2. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba't ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
a. ekonomikal
b. teknolohikal
c. sosyo-kultural
d. sikolohikal
3. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?
a. tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga "perennial" na institusyon na matagal ng naitatag
b. patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
c. nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto
d. naaapektuhan nito ang maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga malalaking industriya
4. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?
a. makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
b. dahil sa globalisayon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng kapinsalaan
c. dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ng mga bansa
d. makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig
5. Ano ang tawag sa pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng mas mababang bayad?
a. inshoring
b. onshoring
c. offshoring
d. nearshooring


Sagot :

Globalisasyon. Ang globalisayon ay nagdulot ng malaking pagbabago sa mga lipunan at bansa. Ang layunin nito ay ang pagpapaunlad ng transportasyon at iba pang aspeto ng lipunan. Ang globalisasyon ay itinuturing na problema sa lipunan dahil sa malawakang epekto nito. Nagdudulot ito ng pag unlad kasabay nito ang epekto nito sa mas maliliit na tao at negosyo.  

 

Mga Tanong At Sagot  

Ang mga sumusunod ay ang mga tanong at sagot:

 

  1. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?  d. globalisasyon  
  2. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba't ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?   d.Sikolohikal  
  3. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?   d.naaapektuhan nito ang maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga malalaking industriya  
  4. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?c. dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ng mga bansa  
  5. Ano ang tawag sa pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng mas mababang bayad?  c. offshoring  

 

Karagdagang Impormasyon:  

Bakit maituturing na isang isyung panlipunan ang globalisasyon:  

https://brainly.ph/question/832680  

Ano ang kahulugan ng integrasyon?:  

https://brainly.ph/question/334639  

 

#BrainlyEveryday