12. Paano mapapanatili ng mga bansa ang pagiging kasapi ng isang Pandaigdigang Samahan?
A. Makilahok sa lahat ng gawain ng samahan.
B. Maging aktibo sa lahat ng gawaing pambansa.
C. Maging mabait at magalang sa lahat ng kasapi ng samahan.
D. Maging masunurin sa mga polisiyang napagkasunduan ng samahan.
13. Ang sumusunod ay mga pangunahing puntos na napagkasunduan ng mga pinuno ng mga bansa batay sa
labing-apat na puntos ni Pangulong Wilson, alin ang HINDI kabilang?
a. Kalayaan sa karagatan
b. Pagbuo ng Liga ng mga bansa.
c. Pagbuo ng kolonya sa iba't-ibang bansa.
d. Pagbabago ng mga hangganan ng mga bansa at paglutas sa suliranin ng mga kolonya ayon sa sariling
kagustuhan ng mga mamamayan.
14. Sino sa sumusunod ang nagmungkahi sa pangalan na "United Nations” mula sa dating katawagan na
Deklarasyon ng mga Bansang Nagkakaisa?
a. Winston Churchill
b. Franklin Delano Roosevelt
c. Pangulong Woodrow Wilson d. Punong Ministro David Lloyd George
15. Sa anong dahilan bakit tinawag na Unang Digmaang Pandaigdig ang digmaan na naganap noong 1914
hanggang 1918?
A. Sapagkat napakaraming armas at bala ang nagamit.
B. Dahil mas ginusto ng mga tao ang ganoong katawagan.
C. Dahil sa dami ng bilang ng mga bansa na sumali sa nasabing digmaan.
D. Dahil sinimulan ito ng bansang Geermany at tinapos ng bansang Amerika.
16. Noong Unang Digmaang Pandaigdig ang mga bansa na sumali sa digmaan ay nagkakampihan batay sa
kanilang interes. Ano ang tawag sa salitang tumutukoy sa mga nagkakampihang mga bansa?
A. Alyansa
B. Kasama
C. Barkada
D. Kaibigan
17. Alin sa sumusunod ang naging sanhi upang sumiklab ang Unang Digmaan Pandaigdig?
A. Sinalakay ng Germany ang France
B. Hindi pagbabayad ng buwis ng Serbia sa Austria
C. Ang pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand at asawa nitong si Sophie.
D. Binomba ng Germany ang bapor ng Inglatera sanhi ng pagkamatay ng maraming pasahero nito.
18. Sinasabing isa sa mga naging dahilan sa pagkakaroon ng maraming namatay noong Unang Digmaang
Pandaigdig ay ang Militarismo. Ano ang ibig sabihin ng salitang Militarismo?
A. Pagkakaroon ng maraming kayamanan
B. Pagkakaroon ng maraming bansang nasakop
C. Pagkakaroon ng maraming sundalo at mga kagamitang pandigma.
D. Isang bansa na walang sibilyan kundi pawing mga sundalo ang naninirahan.
19. Pormal na nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig nang salakayin ng Austria-Hungary ang Serbia taong
1914. Dahil sa tintawag na "alyansa”, kumampi sa kanila ang Russia, Inglatera at France. Samantala ang
Imperyong Ottoman, Germany at Bulgaria ay pumanig naman sa Austria-Hungary. Sa palagay mo,
nakatulong ba ang pagkakaroon ng Alyansa ng mga bansa upang maiwasan ang malawakang pinsala ng
nasabing digmaan?
A. Hindi, dahil nagkaroon ng talunang mga bansa.
B. Oo, dahil meron silang naging kasama sa bakbakan.
C. Hindi, dahil mas lalong naging malawak ang pinsala dahil sa dami ng bansang sumali.
D. Oo, dahil mas marami silang naging katulong sa rehabilitasyon ng kanilang bansa pagkatapos ng digmaan.
20. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay naganap sa Kanluran, anong kontinente sa ating mundo ang naging
sentro ng labanan?
A Asya
B. Europa
C. Africa
D. Amerika​