Sagot :
Answer:
sulat ang sagot sa sagutang papel. Halimbawa: Salita Kahulugan 1 Kahulugan 2 Love Isa itong uri ng damdamin Sa tennis, tumutukoy sa kawalan ng iskor o puntos
11 Suriin Register ng Wika Mapapansin na ang ilang terminong pang-washing machine at pang-cell phone ay ginagamit din sa ibang larangan. Mapapansin din na kapag ginamit sa ibang larangan ang mga terminong ito, naiiba na ang taglay na kahulugan ng mga ito. Halimbawa, ang spin sa washing machine ay nangangahulugan na mabilis na pag-ikot ng makina upang mapiga o matanggal ang tubig sa mga damit. Samantala sa paggawa ng sinulid, nangangahulugan na ang spin ay paghahabi ng hibla o fiber upang maging sinulid. Ang text sa cell phone ay tumutukoy sa ipinadalang mensahe patungo sa isa o iba pang cell phone. Samantala, sa literature, ang text ay tumutukoy sa anomang nakasulat na akda gaya ng tula, sanaysay at kuwento. Ang isang salita o termino ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang kahulugan ayon sa larangan o disiplinang pinaggagamitan nito. Registerang tawag sa ganitong uri ng mga termino. Tinatawag rin na register ang mga espesyalisadong termino gaya ng mga salitang siyentipiko o teknikal na nagtataglay ng iba’t ibang kahulugan sa iba’t ibang larangan o disiplina. Isa pang halimbawa ng register ang salitang “kapital” na may kahulugan ng pagnenegosyo at may kahulugan naming “punong lungsod” o “kabisera” sa larangan ng heograpiya.Bawat propesyon ay may register o mga espesyalisadong salitang ginagamit. Iba ang register ng wika ng guro sa abogado. Iba rin ang sa inhinyero, computer programmer, game designer, negosyante, at iba pa. Samantal, ang doctor at nars ay pareho ang register ng wika sapagkat iisa lang ang kanilang propesyon o larangan-ang medisina. Hindi lamang ginagamit ang register sa isang partikular o tiyak na larangan kundi sa iba’t ibang larangan o disiplina rin. Espesyal na katangian ng mga register ang pagbabago ng kahulugang taglay kapag ginamit na sa iba’t ibang disiplina o larangan. Dahil iba-iba ang register ng wika ng bawat propesyon at nababago ang kahulugang taglay ng register kapag naiba ang larangang pinaggagamitan nito, itinuturing ang register bilang isang salik sa varayti ng wika.
12 Isang tiyak na halimbawa ng register ng wika ang magkakaibang tawag sa binibigyan ng serbisyo ng bawat propesyon o larangan. Propesyon o Larangan Tawag sa binibigyan ng serbisyo Guro Estudyante Doctor at nars Pasyente Abogado Kliyente Pari Parokyano Tindero/Tindera Suki Drayber/Konduktor Pasahero Artista Tagahanga Politiko Nasasakupan/Mamamayan Kahulugan at uri ng Varayti ng Wika Ang varayti ng wika ay ang pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal na makatutulong sa pagkilala sa isang partikular na varyasyon o varayti ng wika. Ito rin ang pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa bansa. Maaaring ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri at anyo ng salita. Nagbigay si Catford (1965) ng dalawang uri ng varayti ng wika. Una ay permanente para sa mga tagapagsalita/tagabasa at ang ikalawa ay pansamantala dahil nagbabago kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag.
Upload your study docs or become a
Copyright © 2021. Course Hero, Inc.Course Hero is not sponsored or endorsed by any college or university.
\
Explanation: